
PWD – WALK-IN KA LANG:
Bilang isang Person with Disability o PWD, napakadaling mag-apply o magpa-renew ng passport. May karapatan ka nang mag WALK-IN, tulad ng mga senior citizens. Ibig sabihin, hindi ka na kailangang mag-request pa ng appointment sa DFA. Sumipot ka lang sa DFA main office, o sa alinmang satellite offices nito. Malaking tulong ito kung nagmamadali kang makakuha ng passport.
Pwede kang magsama ng isang (1) companion, at bibigyan din siya ng karapatan na mag-walk-in kasama mo.
ALI MALL:
Sa ALI MALL, Cubao, ang DFA satellite office ay nasa 3RD FLOOR.
REQUIREMENTS – PASSPORT RENEWAL:
Ang passport ko ay na-expire noong 8 Nov. 2011 (grabe, 2018 na ngayon). Kulay green ito. Sinunod ko lang ang listahan ng requirements na naka-lista sa website ng DFA. Magkakaiba ang requirements for renewal – depende ito sa civil status mo, issued date at kulay ng expired passport mo, kung nawala na ba ang passport mo, atbp. Kaya tiyaking basahin mo sa DFA website kung ano ang requirements na dapat mong dalhin.
Bilang dalaga at Filipino citizen (at wala nang iba pang citizenship) at nasa akin pa ang expired passport ko, ito ang requirements na dinala ko:
- Lumang passport ko.
- Original copy ng birth certificate (NSO yung akin, pero tinanggap pa rin nila.)
- Xerox copy ng NSO birth certificate ko.
- Two (2) valid IDs (ang dinala ko ay UMID at PWD ID). Icheck mo rin sa website ng DFA kung anu-anong mga IDs ang tinatanggap nila (CLICK HERE).
- Xerox copy ng passport (yung page na may picture mo at detalye, at yung likod na information.)
- Xerox copy ng two valid IDs mo (front and back).
NOTE: May xerox machine sa loob ng DFA office sa Ali Mall. Tatlong piso (Php 3) per page.
PASSPORT RENEWAL (STEP-BY-STEP PROCESS):
Ito ang aking naging karanasan noong 21 Nov. 2018, araw ng Miyerkules:
STEP 1: KUMUHA NG NUMBER STUB
1:24 p.m. – Dumating ako sa DFA office sa Ali Mall, Cubao (3rd floor, katabi ng food court). Lumapit ako agad sa security guard na nasa entrance ng DFA office at ipinakita ang aking PWD I.D. Binigyan niya ako ng number stub. Number 15 ako. HUWAG KANG PIPILA. LUMAPIT KA KAAGAD SA SECURITY GUARD. TIYAKING DALA MO ANG PWD I.D. MO.
GUARD: Ma’am, balik po kayo ng SAKTONG 2:00 p.m.
So kumain ako ng mabilis na lunch sa Mcdo (1st floor).
STEP 2: PILA PAPASOK
1:52 p.m. – Pagbalik ko, nilapitan ko yung guard at ipinakita ang number stub ko. HUWAG MONG IWAWALA ANG NUMBER STUB MO.
GUARD: Sige, ma’am. Upo ka muna. Tatawagin ko kayo.
2:00 p.m.
GUARD: Oh, lahat ng may hawak na number, pumila na po kayo dito!
So pumila na kami sa GILID ng office, sa harapan ng guard. Saktong 2:00 p.m. talaga siya nagtawag. Kaya huwag kang ma-late!
GUARD: Number 1! Number 2! (Isa-isa niya kaming tinawag, hanggang Number 15) At pinapasok na kami sa office at pinapila sa STEP 1 counter.)
STEP 3: PILA SA “STEP 1”
Dito sa STEP 1, chine-check nila kung tama ang dala mong requirements at dito ka rin bibigyan ng APPLICATION FORM para sagutan. Kaya magdala ka ng ballpen (itim!).
LADY: Ok na po, ma’am. After n’yo sagutan ang application form, punta po kayo sa Window 6 or 7.
STEP 4: SAGUTAN ANG APPLICATION FORM
2:15 p.m. na. Sinagutan ko ang application form. One page lang ito, back-to-back. Basahing mabuti ang instructions at maging malinaw sa pagsusulat. ITIM na ballpen ang gamitin.
STEP 5: WINDOW 6 or 7 (COURTESY WINDOWS for PWDs, senior citizens, pregnant women.)
Sa Window 6 ako. Saglit lang ako naghintay.
Ibinigay ko dun sa tao sa Window 6 ang aking requirements. Chineck niya kung tama at kumpleto ang requirements ko, at kung tama ang pagsagot ko sa application form. TIYAKIN MONG TAMA ANG SPELLING AT INFORMATION MO.
STEP 6: CASHIER (WINDOW 9)
Dito sa Window 9 (CASHIER), tatanungin ka kung ano gusto mo – REGULAR (12 working days) or EXPRESS (6 working days). Ibig sabihin, kailan mo gustong makuha ang passport mo.
Price:
REGULAR – Php 950.00 (12 working days)
EXPRESS – Php 1,200.00 (6 working days)
Pinili ko ay EXPRESS kasi nagmamadali ako at biglaan akong sinabihan na possible akong magbyahe. So dahil ang EXPRESS ay 6 working days, nang iabot sa akin ang resibo/claim stub, ang nakasulat na release date ay 29 Nov 2018.
STEP 7: LAST STEP
- Photo capture.
- Data double-checking.
- Electronic signature.
- Electronic thumbprint.
Pipcturan ka na. Tiyakin mong maayos ang kasuotan mo at masaya ka sa itsura mo kasi ‘yan ang mukha mo sa passport for 10 years. BAWAL magsuot ng sleeveless top, see-through, mababang neckline, at iba pang wala sa kaayusan. Magbihis ka na parang mag-aapply sa trabaho. Professional and semi-casual. (Ito ang listahan ng mga bawal at iba pang reminders.)
BAWAL din ang may suot na alahas at salamin. Kailangan kita ang ears mo. Ako, nag-pusod na lang.
SUPER IMPORTANT: After ka picturan, ipapakita sa’yo sa computer ang encoded mong information (name, birthdate, etc. — ito yung maga-appear sa passport mo). DITO MO SISIGURADUHIN NA TAMA LAHAT, PATI ANG SPELLING, kasi kapag nakuha mo na ang passport mo at may maling info, kahit sa spelling, magbabayad ka ng SPOILAGE FEE.
STEP 8: COURIER (OPTIONAL)
Kung gusto mong ideliver sa bahay mo ang passport mo, punta ka sa COURIER window at magbayad ka ng Php150 (exact change lang daw, please!).
Ipakita mo ang iyong resibo/claim stub. Babasahin nila ang release date ng passport mo. Ang akin ay 29 Nov. 2018.
LADY: Ma’am, baka first week of December na po ma-deliver sa bahay n’yo.
ME: Ay ganun ba? Bakit?
LADY: Kailan po ba ang flight ninyo?
ME: Dec 9. Two weeks from now.
LADY: Ay, naku, ma’am. Eh para mas safe, ipick-up n’yo na lang ang passport n’yo dito sa Nov 29. Kasi baka ma-late po madeliver sa inyo.
ME: Sure po ba yun na Nov. 29 ay makukuha ko na?
LADY: Opo. Opo naman po. Tawag po kayo sa number na ito sa Nov 29, between 10 a.m. and 12 n.n., bago kayo pumunta dito sa office. (Sinulat n’ya sa likod ng resibo/claim stub ko ang landline number.)
ME: Okay po, thank you!
(So kung hindi ka naman nagmamadali, or last-minute nag-aasikaso ng passport renewal, maganda na ang courier service.)
GAANO ANG ITINAGAL NG PAGPAPA-RENEW KO?
So kung 2:00 p.m. ako pumila, at natapos ako sa buong proseso ng 2:53 p.m, halos isang (1) oras lang. Magaan naman ang proseso, basta sumunod ka lang sa mga tuntunin para walang hassle.
UPDATE KO NA LANG KAYO KUNG NAKUHA KO NGA NG NOVEMBER 29 ANG PASSPORT KO, AT ANO ANG PROSESONG PINAGDAANAN KO.